Mabilis na nasira ang mga bahagi ng tatlong flying saucers na tinamaan ng asul na liwanang ni Xander.  Umusok ang mga ito na tila masisira na ngang tuluyan.  Subalit katulad nang nangyari kanina muling bumalik sa dati ang tatlong flying saucers, parang nilinis lang  ni Xander ang mga ito, mas lalo pa nga itong kumintab sa ngayon.
             Unti-unti nang nakakaramdam ng takot si Xander para sa tatlong aliens.  Kumalas ang dalawang magkadikit na flying saucers mula sa pangatlo. Humarap ang dalawang magkadikit na alien kay Xander at agad na naglabas ng dalawang puting liwanag at sabay na pinuntirya si Xander.  Pinaulanan na nila pareho ng sunod-sunod at napakaraming puting liwanag si Xander, nahagip sa kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan si Xander habang lumilipad nang