nakahiga si Xander sa lupa, hinang-hina na siya. Hinahabol niya ang kanyang hininga sa malabis na pagod subalit nanatiling walang pinsala katawan niya, walang paso o galos man lang. Patuloy siyang pinagmasdan ng tatlong dambuhalang aliens na parang nanunuya sa kanya. Muling nagbalik ang kanyang lakas kaya muli siyang tumayo at lumipad pabalik sa ngayo'y muli na namang nagkadikit na mga dambuhalang flying aucers. Lumipad siya ng mabilis na mabilis paitaas habang iniisip ang gagawing pag-atake niya. Binilisan pa niya ang kanyang paglipad subalit bigla namang nagbuga ang mga ito ng napakaraming maliliit na kulay dilaw na maliliit na liwanag. Ang mabilis at mabigat na ulan ng maliliit na dilaw na liwanag ay bumulusok papunta sa napakaraming mga tao sa lupa na nakatingala sa kanila sa himpapawid,