nito. Lumipad muli si Xander ng mabilis patungo naman sa pangatlong dambuhalang alien, sinuntok niya agad ito nang pagkalakas-lakas sa dibdib at sa isang iglap lang naging kulay orange rin ang buong katawan nito. Mabilis na lumipad si Xander patungo sa gitna ng tatlong magkakahiwalaly na dambuhalang alien. Pinagmasdan niya ang tatlong dambuhalang alien habang patuloy na tumitingkad pa ang pagkukulay orange ng mga ito. Ang tatlong dambuhalang aliens ay naghalo at sumabog na isang napakalaking pula, orange, at asul na bola ng liwanag. Binalot si Xander ng napakalaki at napakalaking bola ng pula, orange, at asul na liwanag sa kalawakan.