"Tama alam ko na gusto niyo ng Safeguard?" natatawang tanong ni Xander habang hawak-hawak ang ilong nito.
              "Aanhin namin niyan?" galit na galit na sabay-sabay na tanong ng tatlong mga alien.
              "Ha?" malakas na tanong ni Xander.
               "Aanhin namin niyan hindi naman kami naliligo!" naiinis at sabay-sabay na sagot ng tatlong aliens.
               "Pasensya na kayo hindi ko alam pare!" mabilis na paumanhin ni Xander.  "Ano bang kailangan niyo kung ganoon?"
               "Galit kami sa inyong mga taga-mundo kasi nag-aaksaya kayo ng tubig, kami nga walang iniinom sa planeta namin, tapos kayo inililigo niyo lang, napakasasama niyong