vaccum cleaner at marami pang iba. Matapos maikargang lahat ng mga appliances sa loob ng Delivery van, umakyat sa loob ng sasakyan si Xander. Huminga siya ng malalim, tumingin siya sa harapan, lumingon siya sa kaliwa at sinulyapan ang babaeng kanyang pinakamamahal habang maingat na maingat na nagko-computer. Ang napakaganda babaeng iyan ay kasintahan ko na sa wakas. Binuksan niya ang isang lata ng napakalamig at napakasarap na Coke, agad niyang ininom at inubos ito, napangiti siya pagkatapos. Muli siyang tumingin sa harapan at agad na nagmaneho papunta sa address na nakasulat sa resibo. Mabilis niyang narating ang address ng bahay ng kanyang pinakabagong delivery.