Google The Last Chapters of Super Xander
                                                                               Back to Homepage                        
   
                                          Chapter 35

          Lumipad siya nang mabilis palapit sa tatlong dambuhalang aliens na ang kalahating katawan ay malalaki at makikintab na flying saucers.  Agad siyang tumigil malapit sa harapan ng mga ito.  Napakaliit ni Xander sa kanilang harapan.  Pinagmasdan niyang mabuti ang mga aliens, hinintay kung ano ang kanilang gagawin.  Pero nanatili itong nakatigil sa kalawakan at pinagmamasdan lang siya. Sinubukang kausapin ni Xander ang mga ito subalit hindi pa 
man siya nakakapag-umpisa agad nang kumalas ang dalawa sa magkakabit na aliens. 
              "Ano ba ang gusto niyo ha Coke?" malakas na tanong ni Xander.
              "Ayaw namin ng Coke mayroon din kami niyan sa planeta namin!" galit na sagot ng isa sa tatlong alien.
              "Ah alam ko na gusto niyo ng Jollibee hamburger?" tanong ulit ni Xander.
              "Ayaw din namin niyan marami din kami niyan sa planeta namin!" lalong nainis na sagot ng alien.
            
  "Tama alam ko na gusto niyo ng Safeguard?" natatawang tanong ni Xander habang hawak-hawak ang ilong nito.
              "Aanhin namin niyan?" galit na galit na sabay-sabay na tanong ng tatlong mga alien.
              "Ha?" malakas na tanong ni Xander.
               "Aanhin namin niyan hindi naman kami naliligo!" naiinis at sabay-sabay na sagot ng tatlong aliens.
               "Pasensya na kayo hindi ko alam pare!" mabilis na paumanhin ni Xander.  "Ano bang kailangan niyo kung ganoon?"
               "Galit kami sa inyong mga taga-mundo kasi nag-aaksaya kayo ng tubig, kami nga walang iniinom sa planeta namin, tapos kayo inililigo niyo lang, napakasasama niyong 
mga tao kayo!"
                "Ang ibig mong sabihin gusto niyo hindi rin kami maligong tulad niyo ha. Pasensya na pero hindi talaga maiiwasan ang paliligo naming mga tao dahil kung hindi naman kami maliligo ay magkakasakit naman kami ang mahal-mahal na kayang magpa-check-up sa mga doctor ngayon,  kaya nga kami gumagamit pa ng sabong safeguard para makaiwas sa mga sakit na dala ng nagkalat na germs sa planeta namin."
                "Ang dami mong satsat ang dapat sa mga taong katulad niyo na maaksaya at hindi marunong magpahalaga sa tubig ay lipulin, kaya mga kulay green kong kapatid umpisahan na ang laban!"
                
Biglang may lumabas na puting liwanag mula sa dulo ng isang flying saucer at pinuntirya kaagad si Xander. Kumabig pakanan si Xander at mabilis niya itong naiwasan.  Naglabas naman ng dilaw na liwanag ang isang alien mula sa dulo ng nakakabit nitong flying saucer.  Muntik mahagip si Xander.  
               Agad na lumapit ng bahagya si Xander sa tatlong dambuhalang alien.  Huminga siya ng malalim, ibinuka ng mabilis at malakas ang kanyang mga palad sa kanyang tagiliran, agad na lumabas ang asul na liwanag.  Pinuntirya kaagad ni Xander ang pinakamalapit na alien.  Pinuntirya niya ito sa noo.  Mabilis itong umiwas kaya nahagip ang pangalawang alien. Subalit ni hindi man lang ito nagalusan, parang kiniliti lang pangalawang alien.  Pinagtawanan lang si 
Xander.  Kaya sinubukan namang patamaan ni Xander ang flying saucer na malapit sa kinaliliparan niya.  Tinamaan agad ang flying saucer sa gitna ng unahang bahagi nito.  Agad itong umusok at nasira.  Natuwa si Xander dahil tinablan ito ng asul na liwanag mula sa kanyang dibdib.  Ngunit laking gulat ni Xander nang bigla na lang itong bumalik sa dati na parang walang ano mang nangyari.  Pinagtawanan muli si Xander ng sabay-sabay ng tatlong aliens.
             Kaya muling inulit ni Xander ang pagpapatama sa tatlong flying saucers na nakadikit sa kalahating katawan ng mga kulay green na aliens.  Pinaulanan niya na ang mga ito ng pagkarami-raming asul na liwanang.  Tinamaan ang mga ito sa kung saan-saang bahagi ng mga flying saucers habang iniikutan ni Xander ang tatlong aliens sa himpapawid.  
Mabilis na nasira ang mga bahagi ng tatlong flying saucers na tinamaan ng asul na liwanang ni Xander.  Umusok ang mga ito na tila masisira na ngang tuluyan.  Subalit katulad nang nangyari kanina muling bumalik sa dati ang tatlong flying saucers, parang nilinis lang  ni Xander ang mga ito, mas lalo pa nga itong kumintab sa ngayon.
             Unti-unti nang nakakaramdam ng takot si Xander para sa tatlong aliens.  Kumalas ang dalawang magkadikit na flying saucers mula sa pangatlo. Humarap ang dalawang magkadikit na alien kay Xander at agad na naglabas ng dalawang puting liwanag at sabay na pinuntirya si Xander.  Pinaulanan na nila pareho ng sunod-sunod at napakaraming puting liwanag si Xander, nahagip sa kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan si Xander habang lumilipad nang