mabilis sa kung saan-saang direksyon para mailagan lang ang mga puting liwanag. Nanghina si Xander matapos siyang matamaan sa kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan subalit ang balat niya ay hindi nasunog o nagalusan man lang. Pagkatapos ay muling pinunterya ng tatlong dambuhalang alien si Xander. Pilit na niyang iniwasang muli ang mga sumunod pang mga ilaw na ipinatama sa kanya.  Subalit hindi na niya ito nagawang iwasan pa kaya tuluyan ng nanghina si Xander.  Hindi na siya makakilos pa mula sa kanyang kinalulutangan sa himpapawid. Nakita ng tatlong muling nagdikit na alien sa dulo ng kanilang mga flying saucers na naghihina na si Xander sa sunod-sunod na tama sa buong katawan nito.  Kaya lumipad pa sila ng mas malapit dito.  Biglang nagkalas at humiwalay ang dalawang 
dambuhalang aliens na nakadikit sa kani-kanilang mga flying saucers.  Sabay na lumipad ang dalawang dambuhalang green na aliens papalapit sa nanghihina nang si Xander.   
           Napagitnaan nila si Xander.  At mula sa dulo, mabilis na nagbuga ng malalaki at napakainit na bola ng liwanag bawat isa sa dalawang malalaking flying saucers.  Dahan-dahan itong gumalaw at lalong lumalaki ang bolang liwanag habang palapit kay Xander sa gitna.  Hanggang sa maging napakaliit na lang ni Xander sa tabi ng mga ito.   Pinagmasdang mabuti ni Xander ang dalawang napakalaki at napakainit na bolang liwanag.  Mula sa himpapawid , mabilis na gumulong ang mga ito papalapit nang papalapit kay Xander.  Tila gustong tustahin ng dalawang dambuhalang kulay pulang liwanag si Xander sa pagitan nila. Kaya mabilis 
na iniangat ni Xander ang dalawa niyang mga braso upang pigilan ang dalawang tila mag-uumpugang malalaking bola ng liwanag.  Nagmistulang pinipigilan ni Xander na huwag siyang maipit sa dalawang nag-uumpugang mga planetang umuusok nang bahagya.  Subalit habang nakadikit ang kanyang mga palad sa gilid ng dalawang bola ng liwanag, naramdaman ni Xander ang hapdi ng ibayong pwersa na nagmumula sa  dalawang tila mala-planetang mga pulang ilaw na bola. Nararamdaman niyang kinukulang ang angking niyang lakas para mapigilan ang mga ito na pasuin at ipitin siya sa gitna.  Nanginginig na pareho ang mga palad ni Xander sa init na nararamdaman niya at sa lakas ng mga ito.  Pero lumaban pa rin nang lumaban si Xander, ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas upang pigilan ang mga itong 
tustahin siya sa kanilang pagitan.  Patuloy nang nanghina si Xander, at mas lalo pang nanginginig ang mga braso niya. Hanggang sa tuluyan nang mabitawan ni Xander ang dalawang dambuhalang bola ng liwanag sa sobrang pagod niya.  Naipit sa gitna ng dambuhalang liwanag si Xander.  Napasigaw si Xander sa init na nararamdaman niya sa buong katawan.  Pilit siyang nagpupumiglas para makalipad papalayo sa mga ito.  Subalit kahit anong pagpupumiglas niya ay hindi niya nagawang takasan ang mga ito.  Nanatili siya sa gitna ng mga ito.  Halos hindi na makayanan ni Xander ang patuloy na pagpaparusa sa kanya.  Biglang naghiwalay ang dalawang nag-uumpugang bola ng liwanag palayo sa isa’t isa. Mabilis na bumulusok pababa si Xander. Nanghihinang sinikap ni Xander na lumipad pababa sa lupa. Nanatiling 
nakahiga si Xander sa lupa, hinang-hina na siya. Hinahabol niya ang kanyang hininga sa malabis na pagod subalit nanatiling walang pinsala katawan niya, walang paso o galos man lang. Patuloy siyang pinagmasdan ng tatlong dambuhalang aliens na parang nanunuya sa kanya. Muling nagbalik ang kanyang lakas kaya muli siyang tumayo at lumipad pabalik sa ngayo'y muli na namang nagkadikit na mga dambuhalang flying aucers.  Lumipad siya ng mabilis na mabilis paitaas habang iniisip ang gagawing pag-atake niya. Binilisan pa niya ang kanyang paglipad subalit bigla namang nagbuga ang mga ito ng napakaraming maliliit na kulay dilaw na maliliit na liwanag. Ang mabilis at mabigat na ulan ng maliliit na dilaw na liwanag ay bumulusok papunta sa napakaraming mga tao sa lupa na nakatingala sa kanila sa himpapawid, 
subalit kaagad namang naglaho bago pa itong bumagsak sa lupa. Nakita ni Xander ang papalapit at napakalawak at napakabigat na ulan ng mga maliliit na dilaw na liwanag. Sinubukan niyang iwasan ang mga ito subalit sa bilis nang pagbulusok ng mga ito nahagip pa rin si Xander.  Naramdaman niyang muli ang init na nagmumula sa malawak na ulan ng mga maliliit na dilaw na liwanag na kumulong sa kanya sa himpapawid.  Nasa gitna si Xander ng malawak at mainit na ulan ng maliliit na dilaw na liwanag. Nanghina nang nanghina si Xander. Habang tumatagal ang pananatili niya sa gitna ng malawak na ulan ng napakaraming dilaw na liwanag ay lalo pang tumitindi ang hapdi na nararamdaman niya. Napasigaw siya nang malakas sa di na niya matagalang pagpaparusa sa kanya ng mga makapangyarihang mga aliens 


subalit nanatili pa ring walang pinsala ang balat niya, walang paso o galos man lang sa katawan niya. Pinilit ni Xander na lumipad papalayo sa malawak na buhos ng ulan ng maliliit na liwanag subalit ng matatakasan na sana niya ito ay lumapad nang lumapad ang buhos ng maliliit na mga dilaw na mga ilaw. Hindi nagawang iwasan at takasan ni Xander ang malawak na ulan ng maliliit na dilaw na liwanag at nakulong siya sa gitna.  Halos hindi na kumikilos si Xander gitna ng mainit na ulan ng maliliit na dilaw na liwanag.  Biglang tumigil ang pag-ulan ng maliliit na dilaw na liwanag. Sa pagod at hapding nararamdaman ay lumipad siya pababa sa lupa. Nanatili siyang nakahiga rito na halos wala ng buhay. Madaling tinalo ng tatlong makapangyarihang mga dambuhalang aliens si Xander.