Chapter 37

            Nakaligtas silang pareho mula sa tiyak na kapahamakan.
            Nginitian ni Xander si Althea.  "Buhay ka Xander! Buhay ka salamat sa Diyos, akala ko'y tuluyan ka nang mawawala sa akin! I love you Xander! I love you!" masaya at mangingiyak na pahayag ni Althea.
            "Papano mahal mamaya na lang natin ituloy 'to, tatapusin ko na muna ang tatlong makukulit na 'to."
              Agad na tumayo at tumalikod si Xander.  Tumingala at pinagmasdan ang tatlong dambuhalang aliens, na nakadikit sa napakalalaking flying saucers, sa himpapawid. Biglang lumabas ang mga pangil ni Xander.  At sa isang iglap lang ay muli itong naglaho.  Tumakbo naman agad papalayo si Althea at muling nagtago.  Lumipad nang mabilis paitaas si