Xander.  Mabilis na mabilis. Agad namang naghiwa-hiwalay ang tatlong dambuhalang Flying Saucers.  Pinaulanan nilang muli si Xander nang napakalawak at napakaraming  maliliit na dilaw na liwanag. Nahagip si Xander ng napakaraming maliliit na dilaw na liwanag.  Napagitna siyang muli sa napakalawak na ulan ng maliliit na dilaw na liwanag. Mabilis siyang umikot na parang ipo-ipo. Sa lakas ng hanging nilikha nang napakabilis na pag-ikot ni Xander, biglang nagkaroon ng pagitan palibot sa buong katawan nito at ng malawak na buhos ng ulan ng maliliit na dilaw na liwanag.  Hindi na ito muling dumikit pa sa katawan ni Xander.  Lumalaki ng lumaki ang pagitan.  Patuloy lang sa pag-ikot nang mabilis ni Xander na parang isang ipo-ipo, hanggang sa tuluyan na ngang maglaho ang malawak na buhos ng dilaw na liwanag.